yung iba nga walang makaen eh
nowadays(naks!english!),uso ang retoke,at mga pampaganda….pansin mo?…kung hindi…..patetik ka!:)
i juz wonder…bakit an dameng nagpapa-artipisyal….medyo kontradiksyon lang ako ng konti..
ang daming nagpapaganda,nagpaparetoke…dagdag dito..bawas don…ahit dito…tapal don…para ano? para magustuhan ng mata ng tao?..diba mas maganda kung tanggap ka ng mga tao for who you really are? yung hindi nagtatago mala impostora sa ibang mukha?…
pero hindi ko naman sinasabi na wag kang magpaayos…kung na-aksidente ka tapos di mo na ma-identify kung alin ang mata at ilong mo e Dios mio! magpa-surgery ka nga!,pero kung muka ka ng tao na likha ng Poong Maykapal weh i suggest,ma-satisfy ka na katoto,:)
madami din nagpapaputi…andameng gamot ngayon…may injectables pa…pero alam n’yo ba,sa ibang dako ng galaxy e may mga tao(minsan pa nga aliens) na gustong umitim?..oo!promiz!..lalo na yung mga hindi ma-identify kung sila ba’y anemic o sadyang nabiktima mo lang este! ni Dracula pala…biro mo nagbibilad sila sa araw na parang daing para lang umitim?…ang kaitiman ay asset din ‘tol!…magagamit mo talaga yan as advantage…take for example this situation:
isang gabi,naglalakad ka….
naglalakad ka ulit..
at naglalakad pa rin…
nang biglang may mga nakakatakot na tao sa daan,parang adik na manyak na holdaper..in short di papahuling buhay…pede kang mag-camouflage..dikit ka sa may libag na poste,o diba ligtas ka na!oha!oha!
madame din ang gustong pumayat…syempre nga naman para swabe sa mata…may nagpapa-layposaksyon…pero dong!may mas matipid na paraan…pero wag mo namang gutumin ang sarili mo,na para pumayat e hindi kakain,magiging mas patetik ka sa pinaka patetik na tao na nag-e-exist sa mundo…try mong mag salt diet(kunwari may ganon)…mahal magpunta kay Belo at Calayan(kay Manang Pepay mura lang!hehe)i-donate mo na lang sa mga poorest of the poor ang pera,ede mas worth it pa yun..oha!…self-discipline lang ang sagot sa mga layers na yan kapatid!:)
hai…wala nga naman masama magpaganda…ba’t nga ba ako nangingialam e mga pagmumukha niyo naman ang involved weh noh?…ala lang…OPINYON LANG PO ITO…wag nyo po sana akong i-ambush or i-sabotage…ahehehe…peace tayo mga ‘tol!:)
pero kung tatanungin nyo naman ako kung bakit “yung iba nga walang makaen eh” ang title nito, e wala lang…yung iba kasi walang makain..nasabi ko lang…
o xa mga badjao!eskapo na po ang inyong abang lingkod!:)
Peace out!smile!:)
Agosto 20, 2008
wahaha. ang daming tinamaan. awts.