tao na ‘ko!

Posted On Agosto 15, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped leave a response

blog ng nag-re-reminisce……….

*tengenengeneng*…

hai…magpapasukan na non…i’m quite worried kasi laking province ako…

pano pag nasa kabihasnan na ako?…

hmmmm……..

pero ayos lang yun(kahit hindi),e umpisa pa lang naman dabah?,keri yan!

una kong sakay ng bus all by myself,takot ako,baka hindi ako makarating sa aking paroroonan,pero ok lang,kaya yan!!

nakatingin lang ako sa bintana..umaasa na sana may makita akong mga signs kung malapit na ako sa aking final destination…yung mga..”500 km away” or yung kahit arrow lang..o kaya “LOBAT SI GHEILA:BEWARE”.. yung mga ganon…

may tumabi sa aking lola…sabi n’ya sa akin,Cubao daw s’ya papunta……ngiti lang ako sa kanya..kahit sa isip ko naman,”Lola,hindi po ako ang kundoktor..”

umandar na ang bus..

naks!NLEX na!…kinakausap ko na lang sarili ko…

SABI KO:Kaya natin to,just trust yourself..

SARILI KO:tama,experience to,may directions naman na binigay si tita weh,you can do it!

haaaay…………………

buti na lang may Balintawak Market na nag-e-exist sa mundo,yun yung naging landmark ko para makababang Royal…ayun…nakarating nga ako…galing ko noh?!….(sumakay na lang kayo)..:)

geh….dito muna wah…

peace out!smile!:)

Respond now.