*buntong hininga*

Posted On Agosto 13, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped one response

august 11(nga ba?),dakong alas dose ng tanghali…mainit…at nangingibabaw ang malungkot na………

sigaw ng tiyan kong gutom na gutom na….pero hindi ako makabili ng all-time favorite na one minute pancit canton ni Aling Panget o ni Aling Rapunzel-Let-Down-Your-Hair….

kasi ba naman ngayon na ang makapanindigbalahibo at hindi ko alam kung uuwi pa akong buhay na midterms sa history….

matapos ang ilang segundo,dumating si prof…nagniningning ang dala n’yang mga xerox copies na obviously ay mga test papers namen…

kinabahan ako…

kinutuban…

gutom na talaga ako…

pinaharap kami sa may pinto…nilabas ang mga test papers and oh my gas!!!may blank map!!nung mga sadaling yun,naisip ko:

“how i wish nasa backpack ko ang map ni dora,,how i wish…say map!say map!…”

pinamigay na ni prof…bumibilis ang tibok ng puso ko…pero buti mabait talaga ang Diyos at tinulungan n’ya kong maisalaksak sa kokote ko ang probinsya sa map…

akala ko si map lang ang ipapanakot ni prof…mewon pa pala…

akala ko lang wala,pero meron pa!meron pa!

akala ko nakalimutan ko na ang gutom,hindi pa pala!

may mga alam naman ako sa 2nd round kaya hindi ako masyadong knock-out,kaya lang na-yari ako kasi may part ng test paper akong di nasagutan!,hindi ko alam kung namalikmata lang ako,o nag-camouflage yung row na yun o sadyang impluwensiya lang ng gutom…sayang ang 3 points!(aaahhh)

patethic!

may mga sagot na na-review ko pero hindi ko naalala…tanging laman lang ng isip ko ng mga oras na yun ay ang mga pronounciation ng Tagbilaran ng kakosa kong itago natin sa Cl*r*nc*(ui,nakatago ng konti)…:)

nang tapos na ang checking,satisfied naman me…kahit hindi ako ang highest,at least i did my best…. but i guess my best wasn’t good enough…basta!malinis ang conscience ko…hindi ako nangopya…at lalong hindi nag-kodigo!(BATO BATO SA LANGIT,TAMAAN WAG MAGALIT!..BAWAL UMILAG!)

geh,dine muna,till next time!

this has been yours truly,toinkz,na naniniwalang ang umikot-ikot sa daan ay hindi makakarating sa paroroonan…

peace out!smile!:)

One Response to “ *buntong hininga* ”

  1. Mary Grace

    onga. diba kadalasan more than a minute yung pagluto ng canton.

    PATHETIC. baka matalo tayo sa spelling bee niyan.

    nakalagay po sa exam, TAGBILIRAN. pinaghalong biliran at tagbilaran. soya.

Respond now.