kaleyds

Posted On Hulyo 20, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped leave a response

Hola!Zta? Ako,eto, as usual, nag-aadik nanaman. Medyo stressed nga ako weh,baket? Eh kasi nakawiwindang ang dame ng dapat gawin.Madame reports,presentations, at may makapanindig balahibo pang term paper sa nakakanginig na history,plus yung intermission sa celebration ng Month of Wika,plus pictorials and shootings!(oy,barbi lang yung huling dalwa),pewo ika nga: dont worry, be happy!,kea medya okay-okay naman ako.

Nakakapraning pala talaga ang kolehiyo noh?,ibang-iba sa hs–yung style ng pagtuturo saka mga profs.Sige may sasabihin ako sa’yong rebelasyon,kikilabutan ka.:)Eto ang ilan sa mga beloved ko’ng profs:

1.Prof.Secret-Hindi s’ya mahirap mapansin dahil kapansin-pansin s’ya.Kamukha niya yung isang reporter ng isang news program na walang tulog at walang pahinga(iiiyyyy,hinuhulaan n’ya!):).Hindi ko mahulaan kung kelan s’ya badtrip,o masaya o malungkot o not enough vitamins…isa lang kasi ang tono ng kanyang boses.Pero okidoks lang,mabait naman yun weh.

2.Prof.Corny-from the alias,s’ya’y super duper mega terrific bombastic korni.May planta yata s’ya ng mais sa kakornihan n’ya.Minsan nga naiisip ko:”Frustrated comedian kaya si Prof?”.Pero okay lang,iniintindi ko ng buong puso’t kaluluwa ang mga jokes n’ya.Natatawa din naman ako minsan e,pero hindi sa jokes n’ya,natatawa ako sa tawa n’ya.Pero minsan hindi maiiwasan ang mga pagkakataong gusto mo na s’yang batuhin ng upuan,pero masaya naman.Ang problema ko lang pag nag-di-discuss s’ya ng lessons at jokes n’ya,tinatakpan nya ang kanyang bibig.Musta naman yon daba?How am I going to understand the topic if he covers her mouth?(nosebleed ako).Pero gusto ko rin s’ya,lalo na ang kanyang sense of humor na endangered type na sa mundo.:)

3.Prof.Noong unang panahon-minsan nagsisimula ang lessons n’ya sa kanyang makapagbagdamdaming “noong unang panahon….”.Nung una sabi ko sa sarili ko:”o sige na ikaw na ang saksi ng panahon,”…pero di mapagkakaila ang kanyang pagiging understanding.Mabaet s’ya promise!:)

4.Prof.Article X Section 101.01-magaling magturo.PERO sa klase n’ya,dapat ikaw ay prepared.Yung tipong nabasa mo ang mga records ng Supreme Court.Pero astig s’ya,tinutulungan n’ya kami sa grades sa pamamagitan ng kanyang maliwanag na torture este! way of teaching at graded recitations.:)

5.Prof.Palitaw-s’ya’y prof na a-absent at surprise! lilitaw isang araw.Ang saya diba?,hulaan na lang kung a-attend ba s’ya o hindi.Pero nag-di-discuss naman s’ya ng matino.:)

Uy hanggang dito muna….hina-hunting na pala ko ng ermats ko,kaka-txt lang n’ya weh…

Geh wah!Aja sateng madlang nag-aaral!Gogogo!

Peace Out!SMILE!:)

Respond now.