TNT

Posted On Agosto 25, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped one response

………shhh………

medyo may nitataguan ako at mga friends ko…

wala lang…

ganire kasi yun eh…

itago na lang natin ang pangalan nila na “D MARX COMPANY”…

actually,hindi naman kami naiinis sa kanila(inis na inis lang..JOWK!)..

mahilig lang siguro silang mag-share at labanan ang kasamaan sa mundo…pero minsan parang replay na lang lagi…laging tatsulok..hindi pedeng baliktarin ang tatsulok..dapat square…ang maalamat na kanta ni bamboo…at ang estudyante lang ang mga estudyante pag nasa loob ng silid ng paaralan,pag labas ng campus,simpleng mamamayan lang din tayo…di natin pedeng sabihin na “ale,isang kilong manok po,estudyante“…

yap..may point sila…pero pansin namin…kami lagi nayayari nila…

kaya nga minsan……………………………………………………………………………..

labas kami classroom

yes uwian na

lingon kami sa kanan..

lingon sa kaliwa…

lingon sa taas..

at para ma-balance,lingon sa baba…

360 degrees na pag lingon…

pag clear na as in no dandruff este! belong sa D MARX COMPANY, okei na..

yeepeeng yeepee na…

i’m not saying na sila’y dapat iwasan…

alam mo yung feeling na…parang na-last sound syndrome ka na dun weh..yung alam mo na yung sasabihin nila…yung parang sasabihin pa lang nila na “h..”,gusto mo nang sabihin na:

“shhh ate,alam ko na ang imong idi-discuss ba…”

yung ganun..gets?

watever..

basta

so…dito muna…

tago lang me sa cellar…

tago lang me…

peace out!

:)

opinion uyet!walang usapang ambush or sabotage!:)

smile!

:)

Magellan and Lapu-lapu in the modern world

Posted On Agosto 15, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped 2 responses

minsan,naiisip ko(naks!nagagawa ko pala yun!) pano kung noong unang panahon weh maunlad na ang technology?

kung dati weh may cp na,may pc na,may comp na?…ano kaya itsura non?

LET’S LOOK BACK TO THE PAST IF THAT WAS SO…

1521….

SUNDALO NI LAPU-LAPU:(nag-dial ng number sa kanyang N70)…Hello Boss Lapu-lapu?,si Migz po to,may namamataan po akong bonggang bonggang boat na parating!

LAPU-LAPU:ah ganun ba?!txt mo ang iba pang kasama at i-update sila!mag-la-log-out lang ako sa friendster,parating na ko d’yan,sana lang konti lang ang tao sa mrt…geh,bye…

(ANG SUNDALO NI LAPU-LAPU AY NAG-TXT SA KANYANG MGA KASAMA…)

FROM:MIGZ

MSG: MGA KASAMA!MAY BOAT TAYONG NAMATAAN SA BAYBAYIN!,SABI NI BOSS,KITA-KITS DAW                    DON….DOUBLE TIME DAW!-GM NG AMUSED-

(SA BOAT NAMAN NI MAGELLAN)

KASTILA1:Boss,tom-guts na kami,wala bang pwedeng kainan dito?you know,like ministop and 7 eleven…

MAGELLAN:Wag u maingay,nagdo-dota pa ko!Can’t you see?…

KASTILA2:Boss,may mga parating po…mukang pwedeng friends…

(BUMABA SILA MAGELLAN SA BOAT)

NAGTITIGAN SI LAPU-LAPU AT MAGELLAN…

LAPU-LAPU:Ikaw?

MAGELLAN:Ikaw din?

MGA SUNDALO NILANG DALAWA:Magka-kilala po ba kau?

LAPU-LAPU AND MAGELLAN:Oo,lagi s’yang nagco-comment sa blog ko…at friends kami sa friendster

:)

ang saya naman pala kumg medyo modern na non,hehehe…you?wat do you think?:)

geh,dito muna wah!

peace out!smile!:)

kaleyds

Posted On Hulyo 20, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped leave a response

Hola!Zta? Ako,eto, as usual, nag-aadik nanaman. Medyo stressed nga ako weh,baket? Eh kasi nakawiwindang ang dame ng dapat gawin.Madame reports,presentations, at may makapanindig balahibo pang term paper sa nakakanginig na history,plus yung intermission sa celebration ng Month of Wika,plus pictorials and shootings!(oy,barbi lang yung huling dalwa),pewo ika nga: dont worry, be happy!,kea medya okay-okay naman ako.

Nakakapraning pala talaga ang kolehiyo noh?,ibang-iba sa hs–yung style ng pagtuturo saka mga profs.Sige may sasabihin ako sa’yong rebelasyon,kikilabutan ka.:)Eto ang ilan sa mga beloved ko’ng profs:

1.Prof.Secret-Hindi s’ya mahirap mapansin dahil kapansin-pansin s’ya.Kamukha niya yung isang reporter ng isang news program na walang tulog at walang pahinga(iiiyyyy,hinuhulaan n’ya!):).Hindi ko mahulaan kung kelan s’ya badtrip,o masaya o malungkot o not enough vitamins…isa lang kasi ang tono ng kanyang boses.Pero okidoks lang,mabait naman yun weh.

2.Prof.Corny-from the alias,s’ya’y super duper mega terrific bombastic korni.May planta yata s’ya ng mais sa kakornihan n’ya.Minsan nga naiisip ko:”Frustrated comedian kaya si Prof?”.Pero okay lang,iniintindi ko ng buong puso’t kaluluwa ang mga jokes n’ya.Natatawa din naman ako minsan e,pero hindi sa jokes n’ya,natatawa ako sa tawa n’ya.Pero minsan hindi maiiwasan ang mga pagkakataong gusto mo na s’yang batuhin ng upuan,pero masaya naman.Ang problema ko lang pag nag-di-discuss s’ya ng lessons at jokes n’ya,tinatakpan nya ang kanyang bibig.Musta naman yon daba?How am I going to understand the topic if he covers her mouth?(nosebleed ako).Pero gusto ko rin s’ya,lalo na ang kanyang sense of humor na endangered type na sa mundo.:)

3.Prof.Noong unang panahon-minsan nagsisimula ang lessons n’ya sa kanyang makapagbagdamdaming “noong unang panahon….”.Nung una sabi ko sa sarili ko:”o sige na ikaw na ang saksi ng panahon,”…pero di mapagkakaila ang kanyang pagiging understanding.Mabaet s’ya promise!:)

4.Prof.Article X Section 101.01-magaling magturo.PERO sa klase n’ya,dapat ikaw ay prepared.Yung tipong nabasa mo ang mga records ng Supreme Court.Pero astig s’ya,tinutulungan n’ya kami sa grades sa pamamagitan ng kanyang maliwanag na torture este! way of teaching at graded recitations.:)

5.Prof.Palitaw-s’ya’y prof na a-absent at surprise! lilitaw isang araw.Ang saya diba?,hulaan na lang kung a-attend ba s’ya o hindi.Pero nag-di-discuss naman s’ya ng matino.:)

Uy hanggang dito muna….hina-hunting na pala ko ng ermats ko,kaka-txt lang n’ya weh…

Geh wah!Aja sateng madlang nag-aaral!Gogogo!

Peace Out!SMILE!:)

joy ride!!ah-yeah!!

Posted On Hulyo 19, 2008

Nakalagay sa Uncategorized

Comments Dropped 2 responses

Sa mga nkakabasa nito,pasensya na kayo wah. Sa mga ala lang,naligaw lang dine,ayos lang,I understand. At sa mga binabaha pa d’yan,naks!Magandang alon kaibigan!..

Maligaya lang talaga ko,nakasakay na naman kasi ako sa motor ng papa ko kagabi pauwe.Wooh!astig!ang hangin sa labas!ang tulin ng takbo,feel na feel ang freedom.Dahil mahaba-haba rin ang lakbayin,may mga natutunan ako.Ikaw ba?mahilig ka ba sumakay sa motor?kung hindi,get lost!(JOWK!).Kumg oo,may tips ako sa’yo.

1. Bago lumayas, magbaon na agad ng 3-in-one sachet na kape,para pag nahuli ni mamang pulis,hindi mo na kelangang maglabas ng cash para sa kape n’ya.Oha oha,wais!

2. Minsan,nakaka-antok talagang mag-drive,di yun maiiwasan.Pwede ka namang matulog weh!Just make sure na hindi ikaw ang driver.

3. Mausok din sa kalsada,nakaka-suffocate noh?!Para maiwasan ang kahirapan dahil sa mga usok,magdala ng gas mask at astronaut suit,pati oxygen tank na rin.Kung wala ka non,no choice,singhutin mo na lang!, bukod sa nakahinga ka na ng maluwag,nakatulong ka pa sa prevention ng paglala ng global warming,diba?diba?

4.Huwag ka rin magmamaneho ng lasing.Bakit?,kasi pag lasing ka,automatic yan,gegewang gewang ka sa daan,at masama yun!Bakit ulet?,pagtatawanan ka ng mga tao,sasabihin sa’yo na: “Ahy,di marunong mag-drive!wahaha!”.

5.Pagdating naman sa stop overs,dapat yung comfortable. Tulad ng Carinderia ni Aling Pepay sa Pureza(for inquiries,please contact Aling Pepay. Contact number:222 at 2344;e-mail add: jowklang2@belat.com).

6.In case naman kung gusto mong dumura,magdala lamang ng sariling sink o toilet na pedeng duraan. Mahirap kasi kapag sa kalsada lang,hahabulin ka ng mga gigantic bulate. O kaya kung di mo kering magdala ng bowl,lunukin mo na lang,sa’yo naman yun weh!(mmm…tsarap!).

7.At kung sakaling makakita ka ng babaeng lumulutang at naka-puti sa kalsada,don’t worry,sabihin mo lang na:”Sige wah,Jimm’s muna ko”,sabay sigaw:”mumo!”.

8.Pinapayuhan din kita na wag bubusina pag may mga katabi kang nag-ra-rally,maaari kang pagbintangang pasimpleng nag-no-noise barrage.

O ayan muna sa ngayon wah!’Til next trip mga ka-kosa!peace out!SMILE!:)